Now Playing Tracks

Maswerte ka kung may BF kang:

walangkausap:

Hinahatid ka sa sakayan mo pauwi. Kasi ayaw niyang mapahamak ka. Kung pwede nga lang, ihatid ka niya sa bahay niyo para sigurado.

Handa kang ipaglaban sa mga taong hahadlang sa inyo. Yun bang “you and me against the world ang dating.”

Ipapakilala ka sa pamilya niya. Sweet yun kasi kapag pinakilala ka niya, para na rin niyang sinabi na gusto ka niyang makasama at makasundo mo ang family niya dahil mahal na mahal ka niya.

Hahawakan ang kamay mo kahit pasmado. Hindi siya choosy. Basta importante, mahawakan niya ang kamay mo.

Magbabayad ng pamasahe mo kahit ayaw mo. Normal daw kasi sa lalaking magprovide. At nakakatapak ng ego kapag tinanggihan mo.

Kapag natatakpan ng buhok mo ang mukha mo, hahawiin niya.Kasi gusto niyang makita ng maayos ang mukha mo.

Yayakapin ka pag umiyak ka. Para tumahan ka na at malaman mong safe ka na.

Kasasakay mo pa lang ng jeep/tricycle, itetext ka na ng “ingat ka” Just to make you smile.

Aasarin ka, tapos pag naasar ka na, sasabihing “ang cute mo.” Trip lang. Pero sweet pa rin.

Magtetext ng unexpected “I LOVE YOU”. Para lang maalala mong may nagmamahal sayong tulad niya.

Tatawagan ka kahit hindi siya naka-unli call para lang kamustahin ka o i-update ka sa mga ginagawa niya. Para hindi ka magduda sa kanya.

Proud na ilagay sa Facebook na IN A RELATIONSHIP siya sayo.Para malaman ng mga dati niyang friends ang tungkol sa inyo.

Magpopost sa Wall mo ng mga sweet messages. Para pagbukas mo ng FB mo, pangalan agad niya ang makikita mo.

Ginawa niyang wallpaper ang picture mo. Para araw araw pagbukas niya ng cellphone niya, ikaw agad ang maaalala niya.

Paano magkaroon ng kaibigan? :)

walangkausap:

  • Go out of your shell and meet other people.

Paano ka magkakaroon ng kaibigan kung nakatambay ka lang sa loob ng bahay? Oo, pwedeng cyber friends. Pero, masa maganda kung personally friends kayo ‘di ba? Iba naman kasi yung nakilala mo sa personal kaysa sa naka chat mo lang.

  • Show that you’re an approachable person.

Ipakita mo sa mga tao na pwede ka nilang makausap if ever na may problema sila. Yun bang, pwede nilang makita na mapapagkatiwalaan ka nila, kapag mag s-share sila sa’yo about their secrets and more. Ipakita mong hindi ka SNOB. :)

  • Start a conversation with the person you want to be friends with.

Pakapalan na ng mukha. Mas maganda rin na ikaw na ang unang makipag usap kasi madalas mahiyain talaga ang bawat tao sa umpisa. Pero, in a good way naman. Wag yung, umpisa pa lang, feeling close ka na at hinalungkat mo na ang talambuhay niya. Dapat, tatanungin mo muna kung pwede makipagkaibigan, kung ano ang pangalan niya, ilang taon. Basic informations lang, y’know?

  • Talk pleasantly.

Baka naman, bagong kakilala mo pa lang, kung anu-anong negative na ang sinasabi mo sa kanya. Pagkalapit mo, sasabihin mo, ang pangit niya pala, bad breath siya. Syempre, ang sakit naman sa feeling nun. Hello? Anong klase ka. :|

  • Be a good listener and respect other’s opinion.

Makinig ka. Kung may sasabihin man silang mali about sa’yo, wag kang magalit. Take it as he/she is a good friend. Ang pangit naman tingnan na ang OA, yabang, pakelamera mo. Buti nga, at sinabi niya sa’yo. Sadyang may care lang talaga siya sa’yo. Nakaka turn off din sa crush kapag nakikita niya yung negative attitudes mo ‘no.

  • Extend a helping hand to those who are in need.

Tulungan ang taong may kailangan. Kapag nakita mong may nalaglag ang isang tao, tulungan mong pulutin. Sa ganung paraan, pwede nang maging friends kayo. Be friendly to everyone.

  • Join organizations to meet different people.

Subukan mong sumama sa mga organizations na may magandang maiitutulong sa ibang tao. Katulad ng Youth for Christ (YFC), madalas ay nag a-out of town yan. Pupunta sa iba’t ibang lugar with other schools. Masaya din sumama sa mga ganyan. Nakaktulong na spiritually, mentally pa. :>

A Real Boyfriend. :)

walangkausap:

  • Super Sweet

Yung tipong ma a-ILOVEYOU sa’yo kahit marinig ng iba.

  •  Cute Magselos

Bigla na lang hindi kikibo tapos ayaw umamin, maya maya makikiusap na wag mo ng kausapin yung pinagseselosan niya.

  • Exclusively yours

Yung kahit na may cute na girl, eh suplado mode pa rin at lagi niyang ipapaalala na ikaw ang one and only niya.

  • Hindi masyadong ma-pride.

Lalo na pag may tampuhan kayo at alam niyang siya ang may mali. He knows how to say “I’m Sorry”.

Qualities ng TRUE FRIEND. :)

walangkausap:

  • Accepts you as who you are, both strong and weak points.

Syempre, kung totoo talaga siyang kaibigan, tatanggapin niyang hindi ka perpekto. Alam naman natin walang taong perpekto at lahat nagkakamali. Pero, merong mga tao na konting mali mo lang, ayaw na sa’yo. May nagkwento sa kanya na kesyo ganito, kesyo ganyan, lalayuan ka na niya. :3

  • Inspires you to do something that will be good for you.

Kaibigan talaga siya kung tutulungan ka niyang maabot ang mga pangarap mo. Sasabihan ka niya ng positive ways para makamit mo ang dream mo. I-eencourage ka niyang ituloy mo at i-pursue ang dreams mo. Yun bang, dahil sa tulong niya, naging inspirasyon mo siya. :)

  • Stays with you in times of happiness and hardships.

Kaibigan na alam mong hindi ka hahayaang nag-iisa. Kapag, may problema ka, nandiyan siya para pakinggan ang mga hinanakit mo, pero hindi ka kaagad i-jujudge. Yung alam mong, mapagkakatiwalaan mo talaga. Hindi katulad ng ibang magaling umarte. Pag may problema ka, aalamin niya para lang pakealaman ang buhay mo.

  • Stops you from making foolishness.

Ang totoong kaibigan, hindi ka hahayaang gawin mo ang bagay na alam niyang makakasama sa’yo. Kahit alam niyang magagalit ka, pipigilan ka pa rin niya, kaibigan ka niya eh? At, hindi siya ang hihila sa’yo para gawin ang mga maling bagay.

  • Helps you correct your mistakes.

Totoo ang kaibigan mo kapag hindi ka niya kakampihan kapag alam niya at alam mong mali ka. Tutulungan ka niyang ipaunawa sa’yo na mali ang gawa mo and kailangan mong tanggapin ang kamalian mo. Hindi porket, ‘di ka niya kinampihan, magagalit ka na sa kanya. Tama lang ang ginawa niya. Kailangan mo lang talagang intindihin.

  • Shares with you whatever blessings he/she has in life.

Ang tunay na kaibigan, aagawin ang pagkain mo. CHAR. Kung totoong kaibigan, mag s-share siya sa’yo ng blessings niya. Bibigyan ka ng pagkain, papahiramin ka ng pera, papahiramin ka ng gadgets. Mag s-share siya sa’yo ng attitudes and knowledge niya. Pero, pwede ba? WAG KA MASYADONG ABUSADO. x)))

True Friend?

walangkausap:

Nakakainis na feeling yung akala mo TRUE friend siya sa’yo. Pero, pagkalipas ng ilang buwan, parang what’s happening? I don’t know you na. Yun bang ang bait bait mo sa kanya. Pag magpapatulong siya, tutulungan mo naman. Pero, pag ikaw na nangangailangan, palaging busy siya. Ang saklap lang ‘di ba? Ang gagaling umarte ng mga so called “friends” mo. Ugh!

We make Tumblr themes